Pasilip Silip

Eto na naman ako pasilip silip lang. 2 yrs na pala mahigit since my last blog. Magaling na yung kagat ng aso sa muka ko. Medyo busy lang sa trabaho, actually naghahanap uli ng trabaho. Bwelo lang ako and I’ll be back in blogging.

PAINFULL VALENTINES DAY

Ang swerte ng ibang nag celebrate ng heart day kasi kasam labs nila, nag dinner, namasyal, may nag kwiki, or just simply spending time with each other. Kakainggit. Pero kakaiba valentines ko ngayon, andoon kaya ako sa ospital ng San Lazaro.

Totoo yata ang sabi ng mga Tsekwa na medyo malapit sa aksidente sa year of the rat ang mga taong ipinanganak ng Year of the Pig. 2 times na akong nag kasakit nitong January, trangakaso and food poisoning. Akala ko ligtas ako for the month of February, hindi pala.

12 Feb. nakagat ako ng aso namin. May katandaan na rin yung aso kaya siguro may sayad na. mahabang istorya kung iku-kwento ko pa kung anong nangyari. basta ayun, kinagat ako ng aso namin and sad to say medyo malaki ang damage. Sa pisngi ko.

So, pinadugo ko muna then hinugasan tapos binuhusan ko ng alcohol. Nag punta kami sa pinakamalapit na clinic. Unfortunately, anti tetanus lang ang naibigay sa akin. So obligado akong pumunta sa isang Dog Bite clinic sa Taytay.

13 Feb, pinuntahan ko yung clinic at nag inject sa akin ng PVRV sa magkabilang braso. 800 pesos per shot and I need around 5 shots. Eto pa, dahil sa muka ako nakagat, mabilis mas delikado raw kasi malapit sa brain. Kahit na raw na may anti rabies na yung aso, hindi pa rin nakakasiguro kung may active na rabies na nakapasok sa katawan ko. So, sabi nila I need to have ERIG vaccine, yun daw yung mabilis na vaccine para mas mabilis nito ma prevent ang pag akyat ng rabies sa brain ko. Nirekomenda nila ako sa isang clinic sa Alabang. Nagta nong ako kung magkano,, ang sabi nalang ng nurse ay maghanda na lang daw ako ng mga 15k para sigurado. 15K????? Oh MY GULAY!!!!

14 Feb, no choice ako kundi pumunta sa San Lazaro Hospital kasi mas mura daw don at pwede ka makakuha ng kahati sa gamot. Maaga ako umalis ng bahay, nakarating ako sa San Lazaro ng 11 am.. Grabe pala don, pila ang nag papaturok ng gamot. Haba ng pila. Nung naresitahan na ako, dumiretso ako sa botika para bilhin yung gamot. 13.78 cc and need ko, pero 5cc lang every bottle or valve. sa makatuwid 3 botelya kailangan ko pero may sosobra pang konti. 3600 pesoses lang naman lahat. Aray!!

Kumain muna ako bago ako nag paturok. Eto na, turn ko na. tinanong ako kung kung hahatiin ba yung pag inject or isa nalang. kung hahatiin sa tatlo, pati sa sugat ko tuturukan nila. Ano ako bali, baka sila makagat ko pag ginawa nila yon. tinanon gko kung may option na iba, meron daw, Sa magkabilang pige ng pwet ko. Eh di yun nalang. Inihanda ng nurse ng gamot at injection, PUTARAGIS! karayom yata pang kabayo yung gagamitin sa akin. ang haba at ang laki. Pinaghati yung gamot sa 2 injection. Ayun na, oras na ng pagdurusa (uli), pinaupo ako tapos pinababa ang pantalon ko ng bahagya. Yung unang turok sa kanang pige ko, medyo ok lang kasi mg 4cc lang yata yung nasa siringe. Pero yung intinurok sa kaliwa, mga 9 cc ang laman, halos mabiyak yung sandalan ng Orocan na upuan sa pagkakagat ko. Yon pa man din yun malaking karayom at mas maraming gamot. Ang lapot pa ng gamot kaya mas masakit ang pag turok. Hayz…. namanhid ang pwet at balakang ko.

Ngayon, kailangan ko pa ng mga follow up 4 PVRV shots para daw mas epektibo at kumpleto ang gamot. Sa ngayon, may 10k na nagagastos ko. Pinag iisipan ko pa kung mag papaturok pa ako or hindi na. Kung babalik din ba ako sa San Lazaro or not. Kung aantayin ko nalang ba na manghabol ako ng pusa at kumahol nalang.

dogbite.jpg

Pero one thing for sure, huwag na huwag nyo deadmahin pag nagakat kayo ng aso, pusa or kahit anong hayop. Kasi yung isang nakita ko sa ospital, nakagat daw ng aso at napabayaan. Iba na ang tingin nya, maitim na halos ang labi, tulo laway at nagwawala. Sabi ng doctor iakyat daw sa 3rd floor. Eh don pala yung mga hopeless cases. Naapektuhan na raw ang utak. Hindi na ma gagamot at hinihintay nalang madedo.

Mga dapat gawin kapag nakagat ng aso o pusa
1. Hugasan ng sabon at tubig
2. Lagyan Betdine or Alcol. Iwasan angbawang, ito ay nakakapaltos ng sugat. Huwag pisilin o paduguin.
3. Kumpletuhin ang bakuna sa rabis at kontra tetano.
4. Bumalik sa klinika na ayon sa petsa na bakuna.

Mga dapat gawin sa aso o pusang nakakagat
1. Itali o ikulong ang aso. Huwag saktan o papatayin.
2. Obserbahan ito sa loob ng 14 na araw mula sa araw ng pagkakagat.
3. Alagaan at pakainin at obserbahan araw araw.
4. Kung buhay ang aso sa loob ng 2 linggo, ito ay walang rabis.
5. Kung meron may sakit, nanghina o mamatay ang aso, dalhin sa animal clinic o sa mga laboratoryo ng RITM o San Lazaro Hospital.

PRAKTIS SA PANDARAYA!!!

Naalala nyo pa ba yung WOWOWEE SCANDAL? Laking issue non, Pati ang mga tv hosts ay nag kagulu-gulo dahil sa nasabing pandaraya. Nagbigay na rin ng paliwanag ang ABS-CBN na mechanical glitch daw yon.Totoo naman kaya?

Eh ano na naman itong kumakalat na video sa youtube? Kayo na ang humusga..

Panay ang reklamo ng ABS_CBN na niloloko raw sila ng GMA sa tv ratings at nananalo pa ng best male host si PAPI. Ang tigas na muka!!!

CYBER SEX–PROSTITUTION?

Marami na tayong nababasa at napapanood sa tv tungkol sa lumalaganap at lumalaking prostitusyon sa internet. Pero matatawag nga bang prostitusyon ito?

Ano nga ba ang prostitusyon? Ang alam ko ito yung mga tinatawag na mga babae o lalaki ng nagpapabayad para maka sex sila. May pisikal na pagniniig, yung ang alam ko. Marami parin ang nagkalat sa kung saan saan kalye, bars, parks, hotels at kahit na sa malapit sa simbahan ay may tumatambay na rin na mga “pokpok” para maka pang hada at kumita ng pera. Meron din naman yung mga sosyal na “escort girls” na kung saan ay may mamasan or bugaw sila na syang nag hahanap ng parokyano para sa kanila. Mas mataas ang presyo nila kasisila yung mga “model type” sa ganda.

Tingnan naman natin ang sa mundo ng internet cyber sex. Isang computer, webcam at headset with mic. Syempre wag kalimutan ang internet connection, importante yon. Alam naman nating lahat na matagal ng nangyayari ang ganitong kalakalan sa net. Anduon yung mag re-register ka muna at mag babayad per minute kung gusto mo maka private ang sinu mang matipuhan mong babae na nakita sa webcam. Naku, ubos ang credit card mo sa ganyan! Meron naman ngayon na simpleng chatroom na may pasimpleng gimik na chatting kunyari ang hanap. Dati, load for show ang uso. Mag pasa ka muna ng load sa cell fone ng girl, pede mona cya maka private. Now, send mo na thru western union ang bayad or sa paypal. Kasamaang palad lang ay, hindi mo naman talaga makaka sex ang babae. Papanoorin lang cya mag show habang ang guy naman ay walang patid ang pag wank hanggang makaraos. Walang pisikal na pagniniig. Ewan ko ba kung ano ang ikinasarap non. Mas safer nga ito kaysa maki pag sex ka ng totoo, iwas sakit ba. Yung iba, pag hindi nakuntento sa panonood sa webcam, natutuloy na rin sa totohanan. Mas malaki yata ang bayad non. Minsan nga pag type pa ng babae, libre na basta may food and drinks, kasama na ang pamasahe sa taxi.

Hindi ko masisi ang mga babae kung gumagawa sila ng ganitong kalakaran sa mundo ng internet. Andun yung walang mga trabaho at gusto maka tulong sa magulang. Di naman maka kuha ng trabaho kasi, bata pa masyado at hindi man lang naka pagtapos ng high school. Yung iba naman, parang katuwaan lang. Ang dahilan nga naman ay hindi naman nila mahahawakan. Yung iba naman, feeling nila sikat sila kasi maraming humahanga sa ganda ng katawan nila.

Kung anu man ang mga kadahilan nila, siguro dapat nalang natin intindihin. Katulad ng pag iintindi ko sa mga ka chat ko ngayon. Bawat isa sa kanila ay may personal na pangagailangan, at ang internet ang isa sa mabilis na pamamaraan para kumita sila ng pera. Sana lang, wag sila mag tagal sa ganoon trabaho. Sana dumating na yung araw na sasabihin nila sa sarili nila na ititigil na nila ang ganong gawain.

Meeting up with New Chat Friends

Last week, niyaya ako ng ka chat ko na mag EB (babae cya kaya wag kayo mag isip ng masama) kasama ng ilan pa namin ka chat. Tutal wala naman akong ginagawa, eh di sige. Sa Aryans Concert Bar sa Malate kami mag kikita kita. Malay ko sa pasiku-sikot ng Maynila, buti nalang at nag offer yung isa namin ka chat sa magsabay nalang kami pumunta don.

Walo kami lahat, 3 ladies and 4 gents. Sa babae ako ang pinaka matanda, pero say mo, ako ang pinaka batang isip, lolz. Syempre, lumalabas na naman ang pagiging retarded ko kaya naging makulit na naman ako. Natural na yata sa akin ang pagiging topic starter when it comes to group chatting. Anything goes, tawanan, kulitan, asaran, bastusan, okrayan,,, pede lahat sa akin. HEP! wag lang akong hihipuan lalo na kung di ko type ang guy, hehehe…

gudtimes.jpguwian.jpgaprub1.jpg

cool.jpg

Kung medyo pamilyar sa paningin nyo yung kalbong naka jersey (#2), sya po c MADKILLAH ng SALBAKUTA. Sya ang nag invite sa amin na pasyalan yung bar at mag meet up don. Actually, nag show sila nung gabing yon pero di na namin naintindihan kasi nga puro rap music. Ka chat din namin yang si Madkillah. Ok naman cya, very entertaining at sobrang daldal. Nag inuman nalang kami saka kwentuhan ng mga kasama ko habang nag hihiwayan sila sa stage.

Mamaru, yung katabi ko na naka stripe c IRCO ORGASM yan, yung kinaiinisan mo sa YM, hahaha.

TAG – See One, Do One, Teach One

More than 2 weeks na rin ako di nakaka pag blog. Pag open ko ng blog ko, una ko agad napansin ang TAG ni ISAGANI.

Nung nasa Dubai pa ako, isa ako sa mga nagbibigay ng training sa mga bagong hired na staff ng kumpanya na pinapasukan ko.  Tinuturo ko ang system, standard and procedures about ROOM RESERVATIONS. Sa totoo lang, maigsi ang pasensya ko. Ang gusto ko pag ako nagpaliwanag, makikinig muna yung tinuturuan ko kahit na may experience na cya sa ganong trabaho. Dahil ayoko sa bandang huli, pagkatapos ng mahabang paliwanagan eh  ipapa ulit sa akin ang mga sinabi ko.

Nung nag attend ako ng Craft Training, don ko na isip na malaki pala ang dapat ipag bago ng pamamaraan ko sa pag tuturo ko. Kasi kung ano ang nakikita nila sa ginagawa ko, yon din ang ginagawa nila. Napansin ko na maraming shortcuts kaya madaming mali. Marami akong  hindi naipaliwag na mga importanteng bagay at detalye. Dapat pala na isipin ko na hindi pare pareho ang pag iisip o katalinuhan ng mga trainee ko. Mayroong madali maka pick up ng mga sinasabi ko, mayroon din naman na kailangan ulit-ulitin para maintindihan.

Sa mga matagal o mabagal matuto, binago ko ang pamamaraan ng pagtuturo. Gumagamit ako ng mga ehemplo na common sa kanilang nakikita or naririnig para ma visualize nila kung ano ang ibig kong sabihin. Di katulad ng mga fast learners, hindi na kailangan masyado maraming paliwanag.

By the end of every training sessions, may assessment and follow up trainings pa rin. Syempre, to make sure na they still follow the right procedure at para ma update na rin sila kung ano man ang dapat baguhin, alisin o kaya idagdag sa kanilang natutunan.

Sa ngayon proud ako mga mga tinuruan ko dahil yung iba ay  na promote na at yung iba naman, naging very confident sa mga sarili nila. Yung iba nga hanggang ngayon Ma’am pa rin ang tawag sa akin kahit hindi na kami magkakasama sa trabaho.

Ewan ko kung may sense ang mga sinabi dito. hahahaha.

Getting Ready for IELTS

Sobrang busy ko ngayon kaya pasensya na kung nawawala ako sa sirkulasyon. Medyo nag karoon ako ng time ngayon isingit ang blogging, kaya eto ang update sa akin.

Katatapos ko lang mag pa medical last week. Alam ko naman na wala akong diperensya sa kalusugan kaya cool lang ako na nagpunta sa medical clinic. Syempre andon na yung routine na mag bibigay ka ng wiwi at pupu sa nurse, kukuhanan ng dugo, x-ray, check up sa ngipin, physical, psychological and lastly eye test. Ito ang pinaka iinis ko yung ipapabasa sa akin yung mga letters na papaliit na papaliit hanggat parang tuldok nalang ang nakikita. With the aid of my eye glasses ok naman down to line 7. Eto na yung parusa, line 8, na halos tuldok nalang nakikita ko. Kailangan mabasa ko mga letters don otherwise papalitan ko salamin ko. Ngek! gastos na naman. Pero teka may solusyon akong naisip. Nung maisip ko tong taong toh, gusto ko cya halikan sa tuwa.  Kasi nabasa ko yung line 8 na tama lahat (syempre may konting drama na kunyari nahihirapan ako).

Ano ba yung mga naka sulat sa line 8?

D E F P O T E C 

 Binigyan ko rin ng tip yung kasama ko. Syempre, libre sa meryenda ang lola.

I just finished reviewing for IELTS. Exam ko na bukas, sa EDSA Shangrila Hotel. Doon ko na realized na hindi pa pala enough yung abilidad ko sa english. Siguro ang naka pag pahirap ay yung limitado ang oras mo sa bawat section ng mga tanong.  I need to get a band score not less than 6. Highest is 9. Kinakakaban ako sa listening and reading exams kasi sa listening, isang beses lang play ang audio. Yung reading naman, napakahaba tapos kakaiba rin ang mga tanong. Hayyy, sana maipasa ko exam ko.